Bukas na Pinto
- tangkapinas
- Aug 30, 2019
- 2 min read
Anim na taon na'ng nakalipas mula nang itayo ni Monty Macalino, kilala bilang bokalista/gitarista ng bandang Mayonnaise, ang isang record label, recording studio, at music school sa ilalim ng iisang pangalang: The Yellow Room Music Philippines.
Noong ika-10 at 11 ng Agosto 2019, idinaos ng Yellow Room ang kanilang ikaw-6 na anibersaryo. Isa sa mga layunin ng Yellow Room ay ang pagbubukas pinto sa mga bagong sibol na banda sa eksena at pati na rin sa mga naeengganyong sumuporta o manuod. Kaya naman ang unang araw ng selebrasyon ay nakatuon sa pagpapatupad nito: konsyerto para sa mga tunay na sumuporta tampok ang mga bagong sibol at mga beterano na sa eksena at pagtatanghal na musikal ng mga estudyante ng Yellow Room Music School. Sa konsyerto, tumugtog sina Kuatro Kantos, Crown of Thorns, Samputen, Southern Lights, Mntklya, Sleep Alley, Madeline, I Belong to the Zoo, Mojofly, and Mayonnaise. Sa ikalawang araw, ang pagtatanghal na musikal, ay nakatuon sa pagpapakita ng talento ng mga estudyante ng Yellow Room Music School. At bilang pagpupugay sa musika, dumalo at nagtanghal rin sina Zack Tabudlo, Sharlene San Pedro, at ang This Band. Akala mo'y hindi pa bukas na bukas ang pintuan, binuksan ito ng Yellow Room nang mas malawak pa, sa dalawang araw na selebrasyon na iyon, sa pamamagitan ng pagimbita sa lahat ng tao nang walang bayad!
Suriin ang mga litrato sa ilalim!
(c) Gelo Maningas
BAKIT NILIKHA ANG YELLOW ROOM?
Upang sagutin yan, ito ang kapiraso mula sa set ng Mayonnaise nitong nakaraang anibersaryo:
Monty: Maikling storya lang kung bakit nagkaron ng Yellow Room, dahil nagkaron ng pagkakataon na walang nakikinig sa bandang Mayonnaise, walang nanonood sa mga gigs namin-
Audience: aaawww...
Monty: aaww, pero wala naman kaming pakielam eh. 'Di kami tumutugtog dahil kailangan may tao. 'Di kami tumutugtog dahil kailangan may manonood. Hindi kami tumutugtog dahil kailangan may naniniwala, kasi kaya nagkaroon ng Yellow Room kasi walang ibang naniwala sa'min kundi sarili namin.
Dahil na rin sa kanilang karanasan sa pagbabanda, natutunan ni Monty ang hirap ng pagpasok sa industriya ng musika. Ngunit napagtagumpayan nila ito dahil sa tiwala, pagpupursigi, at pagmamahl sa sining. Dahil dito, napagdesisyunan niyang hindi man maging kabuuan ng hagdan, ngunit kahit isang baitang lamang ng hagdan, na siyang makatutulong sa mga musikero upang makalikha at makapagbahagi ng kanilang musika. Mapa-bago o beterano sa larangan ng musika, matagumpay niyang natulungan nang dahil sa The Yellow Room Musci Philippines.
"Sobrang laki ng pasasalamat namin sa Yellow Room, dahil Yellow Room ang unang pumansin sa I Belong to the Zoo," -Argee, I Belong to the Zoo
"-because of Yellow Room nakapagrelease kami ng album. Malaking pasasalamat talaga." -Lougee, Mojofly
Dahil sa anking pagiging matulungin ng Yellow Room, ang kanilang pinto ay bukas sa sinuman, maging musikero o sumusuporta sa musika. Ang Tangka ay isa sa mga haling sa sining na buo ang suporta sa musikang Pilipino. Nagsisimula pa lang kami sa pagtayo at paggawa ng isang production galing sa wala. Ngunit, dahil sa Yellow Room, kami ay naimbitahang magkwento sa paraan ng pagkuha ng mga litrato at bidyo ng kanilang ika-anim na anibersaryo. Isang pagkakataon na maaring maging tulay upang maabot ang aming mga pangarap.
"Daghang salamat, Yellow Room, sa isang napakalaking pagkakataon." -Tangka
Panoorin ang mga aming mga likha para sa ika-anim na anibersaryo ng Yellow Room:
Isinulat ni Apple Jay Bergonia
Comments