top of page

Birthday Gig sa Halloween?

  • Writer: tangkapinas
    tangkapinas
  • Nov 4, 2019
  • 2 min read

Updated: Nov 6, 2019

Itong nakaraang Miyerkules, ika-30 ng Oktobre, ay nagkaroon ng birthday gig at halloween party ang Tangka kasama ang aming mga kapamilya at kaibigan sa industriya, bilang isang salubong sa kaarawan ni Fox Joaquin ng bandang FOX at sa araw ng Halloween.


(c) Apple Jay Bergonia

Ang party ay isang 'DIY' lamang, kaya buong grupo ay talaga namang nagtulungan para masaayos ang buong party. Malaking pasasalamat kay Gio Caindec, gitarista ng The Bedtime Stories at Hidden Jem, sa pag-alok na gamitin ang kanilang rooftop sa bahay bilang lugar na pinagganapan ng party. Malaking pasasalamat din sa mga nag-ayos ng disenyong pang Halloween, at sa mga nagdala ng mga pagkain at kagamitan tulad ng electric fan, pangsapin sa sahig, at iba.


(c) Apple Jay Bergonia


Pagkatapos mag-ayos at magdisenyo, sinimulan ang birthday gig/Halloween party sa pagtugtog ng bandang The Bedtime Stories habang suot-suot ang kanilang kostyum. Hanggang ngayon ay hanga kami na kinaya nilang hindi hubarin ang kanilang kostyum buong set nang kanilang tugtog.


(c) Apple Jay Bergonia


Pagkatapos tumugtog ng The Bedtime Stories, laking gulat namin nang may pumasok na isang sikat na singer sa aming party...



Akala naming lahat ay isang panaginip, isa palang kalokohan!


Si Fox Joaquin ay nagbihis bilang si Argee Guerrero ng I Belong to the Zoo. Kahawig naman talaga, hindi ba? Sa kaniyang pagpasok ay nagkaron ng isang segundong katahimikan dahil sa pagaakala naming siya talaga si Argee Guerrero.


Kung si Fox ay nagbihis I Belong to the Zoo, hindi rin nagpatalo ang kaniyang mga kabanda sa kanilang pang Halloween na kasuutan. Si Alfred Regalado ay nagbihis bilang isang Jollibee crew dahil minsan din daw niyang pinangarap magtrabaho sa Jollibee; si Oliver Sayson ay nagbihis bilang si Marshmello, at si Yanni Rayala naman ay nagsuot ng headband na para bang isa siyang karakter sa larong The Sims.


(c) Apple Jay Bergonia



Syempre hindi lang ang mga tumugtog ang nagsuot ng kostyum, pati rin ang iba pang mga dumalo ay may kaniya-kaniyang trip na kasuotan. Heto ang litrato ng dalawang head ng Tangka na dumalo bilang sina Lucifer Morningstar at Chloe Decker ng palabas na Luficer sa Netflix.




Si Judah Decastro, drummer ng Hidden Jem, dumalo bilang... Unicorn Thanos?


(c) Apple Jay Bergonia



Heto ang iba pang mga litrato ng mga dumalo....


(c) Apple Jay Bergonia



(c) Iah Potestades



Isa nanamang hindi malilimutan na gabi. Isang matagumpay na party para sa aming lahat. Sana'y sa susunod kaya na namin magimbita ng iba pang mga banda, at ng mga 'fans' o mga taong tumatangkilik sa lokal na musika.


Sa mga mambabasa ng aming blog, kayo'y mapalad at mas papalarin pa. At dahil andito na rin kayo nagbabasa, bisitahin niyo na rin at pakinggan ang bandang The Bedtime Stories, FOX, at Hidden Jem. Kung mahilig kayo tumingin ng magagandang litrato, bisitahin niyo naman ang Facebook page ng photographer na si Iah Potestades. At kung kayo ay talagang mapagbasa, kilalanin niyo si Aya Lagac, manunulat ng Alika.


Kung nais niyong makita lahat ng litrato at mapanood ang video highlight ng party na aming ilalabas, bisitahin niyo ang FB page ng Tangka.



Isinulat ni Apple Jay Bergonia.

Comentarios


© 2019 | tang·ka

  • w-facebook
  • Twitter Clean
bottom of page